A Demi-God He is like the god of beauty. My physical ideal man alive. Too bad I might not see him anymore.

Matindi ang Tama

Ewan ko ba, pero kahit napapa-English ang utak ko ay mas pinili kong gumawa ng blog in Tagalog. Or Tag-lish. Ramdam ko kasing parang mas totoo kung ganito ako magsasalita.

Mahal kita. Halos maiyak ako kapag pilit kong pinipigalan ang sarili ko na huwag ipagsigawan sa mundo. Kasi parang mapapahiya lang ako. Di mo naman kukumpirmahin. Sa ngayon.

Kaya nga, pilit ko tinatago. Pero hindi pa rin. Gusto kita makita, makasama, mayakap, mahalikan. Gusto ko gawin ang mga ito at marami pang iba. Pero di pa rin pwede eh. Hindi pa nga oras. Hindi pa hinog, kumbaga.

Masasabi ko lang na sa bawat araw, sa paggising ko, ikaw ang naiisip. Kung tulog ka pa rin ba dahil puyat sa pag-aaral, o gising na para maghanda sa pagpasok. Lumilipad ang utak ko’t ikaw ang pinapangarap sa biyahe papasok sa opisina at pauwi sa bahay. Minsan pag nakikita ko ang daan patungo sa bahay niyo, parang gusto ko na bumaba ng FX o jeep at puntahan ka sa bahay.

At sa FB, nakaabang ako sa status update, post, comment, likes, at photo albums mo. At least dalawang kaibigan mo ang medyo pinagseselosan ko. Pero iniintindi kong kaibigan mo lang talaga sila.

At sa pagtulog ko ikaw pa rin ang isa, kung hindi man ang tanging iniisip ko. Ramdam na ramdam ko ang pangungulila sa’yo, kahit sa totoo lang ay hindi naman naging tayo. Sabi nga ng kaibigan ko, I am longing for you. Oo nga, tama siya. Kung anu-ano na iniisip ko tungkol sa ating dalawa. Minsan kumikirot sa sakit ang puso ko, o mapapaluha na lamang ako bago makatulog. At sa pagtulog, at sa trabaho, nakakalimot ako sa’yo, at sa pangungulila ko sa’yo.

Ansakit lang kasi… Parang sobra-sobra ang nararamdaman ko para sa’yo. Parang sasabog ang dibdib ko. Miss na miss kita. Kahit sa totoo lang, kung pwede lang wag makaramdam ng ganitong katindi. Kasi ansakit, nakakapagod, nakakalungkot.

Pero naniniwala pa rin akong magkakasama rin tayo. Ramdam ko na mahal mo na ako. Wala kang sinasabi o ginagawang romantiko. Bihira lang tayo magkita. Pero sa mga pagkakataong wala masyadong nakakapansin, nagtatagpo ang mga mata natin at doon nararamdam ko ang kuryente sa buong katawan. At nababasa ko ang pagmamahal at pag-aalala mo sa kung paano ka tititig sa akin. Na sa mumunting sandali na yun ay mas nanaisin ko nang mamatay nang nakatingin sa mga matang iyon.

Dito ka na sa mga braso ko. Hayaan mong iparamdam ko ang lahat ng ito sa’yo. Ibigay lahat sa’yo. Pagsaluhan ang lahat sa buhay. Kahit hindi marami ang pareho sa mga gusto natin, gusto kong subukan natin ang mga bagay-bagay.

Wag ka sana matakot o mag-alinlangan sa akin. Mahal kita. At sa’yo na ako kahit hindi mo pa nalalaman o narerealise. Sana, sana maging akin ka na. Maging tayo na sana. Pipilitin kong hintayin ka.