Isang Taon

Isang taon.

Isang taon na lang.

Nagsubok na ako ng mga bagay-bagay,

Nabili ko na ang mga gusto ko.

Pero iyong mga pasyal at gala naman ang hindi ko magawa.

Wala nang pera. Wala nang gana.

Parang bigla kong napagtantong, lahat ng meron ako ay para lang maging kumportable ang buhay ko.

Ito ay dahil sa wala namang saysay ito. Nabubuhay lang, buhay lang.

Bigla yata akong tumanda.

Ang iniisip ko na ay iyong gaan ng buhay sa hinaharap.

Kasi ngayon wala akong makakasalong mga tao na malapit sa loob ko.

Hindi ko alam kung gaganahan pa akong simulant ulit habulin ang mga pangarap ko.

Sabi nga nila, sinasayang ko, tinatamad ako.

Ano’ng gagawain ko, kung kalian andun ang passion, andaming hadlang.

Hanggang sa sabi ko, ano ba, kung buhay ka naman nang wala ‘yun, bakit nagpapakasakit ka pa.

Ngayon, nasa gitna ako.

Ito na yung panahon na ibang adventure naman ang hanap.

Inom, bar, party, lakwatsa, gadget? Tsss.

Iba na priorities ko.

Iniisip ko, hinahayaan ko munang magtipid, magtiyaga, maghintay, mag-ipon.

Pagsapit ng panahong iyon, kaya ko na. Kaya ko nang lumipad at wala nang hahadlang pa.

Hinay lang, hinay ka lang. Kaya mo yan. Malapit na.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s