Dabbling in Mutual Funds

Even when I was abroad, binalak ko na talagang may gawing proactive sa naipon ko. Noong nasa savings account lang siya, napakababa ng interest rate niya, at taxable pa ito. Kapag time deposit naman, minsan ang laki ng initial deposit nila pero hindi rin naman malaki ang interest. Barya-barya lang. Sayang naman ang panahon at potential nitong kumita.  Sa totoo lamang ay talagang pinag-isipan kong mag-invest sa Mutual Funds.

” A mutual fund is a pool of money professionally managed and invested in specific types of securities. The manager of a mutual fund is guided by strict regulations.  However, they monitor the value of the investments very closely so that they can maximize the earnings of the fund, while operating within the fund’s objective and guidelines.” – FAMI website

Basically, bibili ka ng shares ng isang pool of money, na binuo ng isang bangko or financial institution, na minamanage ng financial professionals. Sila ang bahalang mag-invest ng collected fund sa iba’t ibang money instruments na hopefully ay tutubo ng malaki in time.

Bakit Mutual Funds?

Sa totoo lang ay pinagplanuhan ko talaga ang mag-mutual funds kasi ito ay:

  1. low-risk
  2. easy to apply
  3. easy to maintain
  4. low initial investment
  5. diversified portfolio of securities

Low risk – Relatively low-risk ito kumpara sa stocks investments kasi una, pwede mong piliin ang mutual fund depende sa kung gaano ka ka-willing mag-invest sa high-risk pero high-yield investments. Karamihan sa mutual funds ay iniinvest isa iba’t ibang securities, hindi lang sa stocks. Refer na lang sa table on Kinds of Mutual Funds sa itaas.

Easy to apply – May pera? May valid ID? Punta ka lang sa office nila or sa bank branch (kung ang mutual fund ay hawak ng bangko). Take the investor profile assessment form, kaunting discussion lang sa pipiliing mutual fund/s, fill up the forms, submit valid ID at initial deposit and you’re done.

Easy to manage – Actually, basta may actual proof of confirmation ka na maayos na ang mutual fund mo ay pwede mo na itong kalimutan hanggang sa takdang panahon na pwede mo na i-redeem yung investment mo nang walang pre-termination fee. Kung may online account naman ay pwede mong i-check doon. Wala ka nang pagbabantay sa stock market, buy-hold-sell na tactic at iba pa. Gagawin mo lang ay magdagdag ng pera kung gugustuhin.

Low initial investment – Kung ang time deposit ay P50,000 ang initial, eh dito pwede na ang P5,000. Hindi ka required maghulog ng buwanan, basta ba sundin ang minimum. Usually ay P1,000 lang.

Diversified portfolio of securities – Ang maganda sa mutual funds ay dahil isang malaking pool of money ito, naiinvest ito sa mga bigating kumpanya (blue-chip). Isipin mong ang P5,000 worth of shares mo sa mutual funds ay naka-invest sa malalaking kumpanyang pinili ng financial professionals na may hawak ng buong mutual fund. Kung sa stocks iyan, ay isa hanggang tatlong stocks lang naka-invest ang P5,000.

Saka depende sa napili mong mutual fund, ang pera mo ay pwedeng invested lahat sa stocks (high risk, high earning), or sa safe na safe na fixed-income securities like government bonds and deposits, or pwedeng combination ng stocks, bonds, deposits, etc.

Paano mag-apply:

Since nagstart akong mag-buy and hold ng stocks through COL Financial, tapos sila pa ang may Mutual Funds “supermarket” ng mga kilalang mutual funds provider, dito na rin ako nag-avail ng mutual funding para mas madali. Kung COL Financial member ka na:

  1. Mag log-in sa account mo tapos doon sa profile ay i-click ang “Mutual Funds” tab.
  2. May lalabas na bagong website at maaaring magbasa muna para dagdag kaalaman. Pwede mong pagkumparahin ang mga available na mutual funds sa Mutual Funds Product Guide & Performance Table.

Ito naman ang usual steps sa pagkuha ng mutual funds in general, whether through online or by visiting the office / bank branch:

1. Fill up the investor / client assessment questionnaire / survey / test to determine your investor style / profile, and appropriate mutual funds for you. Dito malalaman kung anong klaseng investor ka at kung anong level ng investment risk ang willing mong tanggapin upang tumubo ang pera mo.

2. Choose among the mutual funds recommended based on your investor profile / style. Refer na lang po sa “Kinds of Mutual Funds” na table, at naroon ang klase ng mutual funds para sa bawat klase ng investor. Pwede namang kumuha ng mutual fund kahit na yung risk ay mas mataas sa kaya mong itolerate. Magbibigay ka ng consent kung ganoon to prove na aware ka po sa gagawin mong pag-invest sa higher-risk mutual funds.

3. Fill up the forms, signature cards, etc. and provide the initial investment and required documents.

Since enrolled na ako sa COL Financial ay hindi na ako pumunta ulit sa office nila para sa submission ng forms at verification ng requirements. Lahat online.

Lowest na ang P5,000 na initial investment. Nai-enroll ko na sa online bills payment facility ng aking banko ang COL Financial kaya on the spot akong nakapaglagay ng initial investment. Kung ang mutual fund ay galing sa same bank na may savings account kayo, maaaring mas mapadali ang fund transfer.

4. Make sure that your application is successful. Usually may may email naman silang pinapadala at kung in person ka nag-apply ay dapat may receipt ka ng deposit/payment atbp. Kapag na-process na ang order ay makikita mo na yung mutual fund status mo online kung binigyan ka ng access sa website nila.

Sa ngayon, magkaparehong amount ng pera ang investment ko sa stocks at mutuals funds. Sa panahong sinusulat ko itong blog ay kaka-invest ko pa lang ng wala pang isang buwan at medyo hindi maganda ang performance ng Philippines stocks kaya understandable na loss ang meron ako. Still, happy ako sabihing sobrang mas mababa ang loss ko sa mutual stocks kaysa sa stocks. At kung mag-boom ang stock market, aba’y siguradong malaki ang gain ng mutual funds ko.

Let me know kung may mga tanong pa kayo.  😉

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s