What I Learned in AE as OFW / Filipina Expat?

Two years na ako sa lugar na ito. Nasanay na ako sa sobrang init at sa sobrang lamig. Nasanay na ako sa palakad nila dito. Ang di na lang nasasanay sa akin ay ang tainga ko pagdating sa accents na di ko maintindihan. Pero sige lista natin yung mga natutunan ko rito at sana ay makatulong sa inyo. Bad news first.

  • Tax –free nga, mahal naman ang cost of living. Kakagamit ng Excel sa pag-monitor ng expenses ko at sa COL comparisons online, around 2 to 2.5 times more expensive ang Dubai. Halimbawa, kung sa Pinas, ang bedspace sa prime area ay P6000, dito sa Dubai ay pumapatak ng P9000. Pinakamahal sa LRT ay P20, dito ay nasa bandang P90.
  • Mas kaunti ang holidays. Huhu. Pero kapag sa government ka nagtatrabaho, well grabe ang dami ng araw na pwede nilang ibigay. Halimbawa, yung Eid al Fitr ng private sector, usually 3 araw lang. Pero isang linggo ang binibigay sa public sector workers.
  • Mahirap makapag-ipon ng pera dito.
    • Reason #1 : Low salary compared to other nationalities.

Kadasalang mababa sahod ng Kabayan kumpara sa ibang lahi. Medyo nakaka-discriminate.

  • Reason #2 : High cost of living.
  • Reason #3 : Boredom.

Kung taong bahay  ka lang naman, pwedeng masaya ka na sa paglalaro ng videogames, panonood online or pag-FB – basta pagkalikot  ng smartphone / tablet/laptop (note na naka-Apple pa ang karamihan). Kung may gym at pool sa building, niyo, ayos! Pero kung taong-gala ka, marami ka mapupuntahan pero mapapagastos ka.

  • Reason # 5 – Kung mapalad na may pera ka, uutangin sayo ng kababayan mo.
  • Reason #4 – Sale dito, promotion doon. Puro mall. Puro department store. Kung anu-ano. Seasonal ang palit ng wardrobe, kaya doon pa lang 4 times year may end-of-season sale. May Dubai Shopping Festival pa! Dubai Summer Surprises, Ramadan Special at Eid in Dubai. Kapag electronics naman, GITEX Summer at Spring. Wala na talaga.
  • Klase ng mangungutang na Kabayan
    • Yung pinalad na AED 4000 up ang sahod or malaking kumpanya ang pinapasukan mo, dahil madali na makakuha ng credit card
      • Yung mga magastos kaya nabaon
      • Yung mga sobrang mabait na pina-swipe ang iba tapos nahihirapang maningil
    • Yung mga talagang mababa sweldo tapos kailangang medyo malaki ang pinapadala sa Pinas
    • Yung iba na lahat pinadala sa Pinas tapos dinadaan sa utang ang sariling panggastos
  • Matututo kang makisama talaga. Minsan mag-aaway kayo dahil sa maduming sahig or sa suklay na ginamit nang walang paalam.
  • Pero ingat din pagdating sa pera. Maraming Pinoy nagpapaawa effect para makahiram. Kung talagang kailangan, why not? Pero kung paulit-ulit, ano ako bangko? Pare-pareho lang tayo nagtatrabaho, gusto makaipon, matuto ka namang mag-budget or aminin sa pamilya mo sa pinas na ganitong pera lang pwede mo ipadala at di ka naman siguro nagdadamot ng ganoon.
  • Libangan ng Pinoy kumain. Kaya tumataba. Ahem, lifestyle diseases po. Mahal ang pagamot at gym membership.
  • Wasta lang talaga sa maraming bagay. Yung mga local na pasaway, sila pa di nasunod sa batas kahit may nananaway na. Yung mga employer na kayang idaan sa bayad or sa kakilala para mas mapabilis ang proseso ng mga bagay-bagay (tulad ng visa processing or recruitment)
  • Mahirap makahanap ng dream job dito. Bakit?
  • Reason #1 – yung ibang lahi kasi papayag sa mas mababang sweldo
  • Reason#2 – depende sa papasukan kung anong lahi prefer nila
  • Reason#3 – domestic helper / prosti mentality – mababa pa rin ang tingin sa karamihan ng Pinoy (Pinay) lalo na bagong salta sa Dubai
  • Pero gusto pa rin nila sa Pinoy worker.
    • Kasi bukod sa Anglophones (yung English talaga native language nila), tayo na siguro ang sunod na marunong sa English. Tapos medyo Americanized na rin ang society natin kaya mas madali tayo maka-adapt sa ibang kultura.
    • (Malamang – ang init sa Pinas)
    • Totoong masipag kung kailangan (hindi yung nagpapanggap or gagawin lang ay yung pwede na)
    • Honest and reliable (karamihan)
    • Kaya nakakaangat rin yung iba sa atin. Good job!
  • Kahit gaano pa kaganda yung daan, traffic control system or yung sasakyan, barubal pa rin magmaneho yung mga tao dito, lalo na yung ibang lahi. Parang after pumasa ng driving school eh kinalimutan na nila yung tamang driving. Nakakatakot tumawid kahit sa pedestrian lane.
  • Speaking of pedestrian lane at horrible driving, marami pa ring nagja-jaywalking. Di rin kasi marami yung tawiran at medyo inconvenient sa nagmamadali. Pero may fine pag nahuli, at di nakakalusot ang karamihan.
  • Akala mo mapa-polish na ang Ingles mo rito. Nuh-uh. Not exactly. Depende sa katrabaho at sa mga nakakasalamuha mo. Mas madalas, Ingles Barok ang gagamitin mo dahil kundi, di kayo magkakaintidihan ng iba, lalo na yung may punto o ibang accent. Depende talaga. Pero kung ako sa inyo, iayon nyo lang sa kausap niyo. Maayos na Ingles sa amo at sa cliyente na mukhang nakakaintindi. Simplified English sa iba na mukhang di masyado nakakapagsalita ng English.
  • Iba rin ang English dito. Kung sa Pinas, American English tayo, dito more on British English. British English din ang alam ng mga Indian, which is sa totoo lang eh sila ang pinakamarami dito sa Dubai. Halimbawa, “zed” ang basa nila sa letrang “z” pero tayo, yung American na “zee”. Lift ang tawag sa elevator. Mga ganoon.
  • Oo nga pala, yung ibang lahi parang iba ang tawag nila sa mga bagay-bagay o kahit sa school supplies. Halimbawa, scale ang tawag nila sa ruler, staple pin ang tawag sa staple wires, at liquid eraser ang tawag sa correction fluid. Kaya sa pagpurchase ko, minsan kailangan ko ipakitan yung sample or yung picture ng tinutukoy ko.
  • Iba ang pag-bedspace / flat-sharing dito. Maraming factors ang nakakaapekto: homesickness, stress sa work at sa pagpapadala sa Pinas, pakikisalamuha sa iba’t-bang lahi at mga kanya-kanyang ugali. Kapag nasa isang less than ideal situation ka, or stressed, lumalabas ang monsters within us. Away sa nawawalang gamit, or sa burarang kasama, sa masyadong maingay, or hirap makisama sa ayaw makisama, mga tamad, ganoon.

Masyado na pala tayo negative!

Pero sa lahat ng ito, marami pa rin naman akong dapat ipagpasalamat:

  1. Kahit ano pang sabihin natin, tayo’y nabigyan pa rin ng trabaho. May napapadala tayo pangsuporta sa mga pamilya natin. Kung nagkataong wala kang responsabilidad o malaki-laki ang sweldo mo, the better! Mas makakaipon ka mabilis kaysa kung nasa Pinas ka. Or mas naeenjoy mo ang ang mga bagay-bagay. Pasyal pa more! Kain pa more! Bakasyon galore! Pwede ka pang makapag aral or training. Tax free pa ang sweldo kaya you get it whole.
  2. At least libre ang beach! Mas maganda pa sa ibang paid private beach sa Pinas. Ayun nga lang masyado maalat ang tubig masakit sa mata.
  3. Maaasahan mo talaga ang Metro. Darating sa oras. Mas madaling i-timing ang commute mo. Sa bus, di masyado, minsan nala-late pa rin, tapos laging nagaadjust ng routes, timings, etc. Pero overall, okay pa rin ang transport.
  4. iba ang pananampalataya ng nga Pinoy dito. Siguro kung sa Pinas di ka palasimba, dito magiging weekly habit mo na. Pakiramdam na pagpasok sa compound ng simbahan tapos Filipino Mass? Parang nasa Pinas ka na ulit, kahit papaano. Saka sa Diyos ka humuhugot ng lakas ng loob sa pangungulila mo.
  5. Kung may panggastos ka, maeenjoy mo talaga yung iba’t ibang activities dito. Ako’y nakadalawang taon na rito pero marami pa akong di nasubukan. Desert safari, city bus tour, dhow cruise, visit sa magagandang hotel, resort, souq at museum, road trip sa ibang emirates ng UAE, etc.
  6. At kung wala namang masyadong panggastos, well, marami ring pakulo! Dubai Shopping Festival, Dubai Summer Surprises, GITEX Shoppers, atbp. May mga free activities kaya masaya!
  7. Nakakatuwa na may four seasons dito. Akala ko lang laging mainit sa AE kaya di na ako nagdala ng makapal na jacket. How very wrong! I-breakdown natin ang mga season:

Summer: Bakit hindi, ito talaga pinaka well-known ang Dubai! April hanggang October mainit at ang pinakamainit ay August-September. Ang nakakaloka, sa sobrang init, di ka pagpapawisan. Nag-evaporate na yata kaagad ang pawis, or sadyang hindi humid dito kapag summer. Sa sobrang init, instant hot bath meron ka, hanggang tubig sa gripo ay mainit. Sa sobrang init, may compulsory midday rest break from 12-3pm para sa mga nagtatrabaho sa ilalim ng araw, para di sila ma-heatstroke. Mahaba rin ang oras. wala pang 6am maliwanag na, tapos before 7 pm pa lang lulubog ang araw. Kawawa kapag natapat ng summer ang Ramadan.

Autumn-Winter: Usually pinagsasama na nila ito kasi maiksi lang talaga. Madalas mula November hanggang January ito. Ito yung biglang bumaba yung temperatura tapos mas mahaba na yung gabi. Sa pinakamahanag gabi, usually sa Disyembre, lagpas 6am na madilim pa rin tapos wala pang 6 ng gabi madilim na. Di ka na mag-aircon. Imbis na pinapalamig mo yung tubig mo, ay binubuksan mo naman yung heater. Mas mainit pa sa loob ng bahay, Metro, bus, sasakyan mo kasi sa labas. At kahit for 2 months nakakapagsuot tayo ng winter clothes. Masarap din pumasyal ng ganitong time kasi kahit tanghaling tapat malamig-lamig pa rin unless nakatutok sa araw.

Spring: Alam mo nang spring kapag nagpa-sale na yung mga tindahan ng January, kasi spring collection naman ibebenta ng February. Tapos yung lamig na parang freezer ay magiging lamig ng ordinaryong hangin na lang. Lumalabas na rin yung mga langaw at kung anu-ano pang insekto kasi ideal na sa kanila ang weather. usually Feb at March lang ito, pero siguro pati April sakop pa rin, kung medyo malamig pa. Pero ngayong 2015, tantsa ko, March, magiging parang Pilipinas na lang ang init. Lukewarm, kumbaga.

At higit sa lahat, nagkaroon ako ng pagkakataong makaranas ng kakaibang experience! Bagong, lugar, bagong kultura, bagong kakilala atbp. Iba pa rin talaga yung nakakadayo sa iba’t ibang lugar. Ito yung pakiramdam kapag napapadaan ako sa Old Souq, o sa Dubai Tram, o di kaya sa Dubai Mall, o pag nakakasakay ako sa water abra, or sana sa camel. Napapanganga, nanlalaki mga mata, laba ng smartphone tapos kuha-kuha ng pictures (hindi selfie). Nakakatuwa, para rin akong bumibyahe na nagbabakasyon. At sa mga pagkakatong ito, minsan naaalala mo yung pamilya mo, tapos makakaramdam ka ng gratitude, or appreciation sa buhay mo ngayon.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s