Dear Tracy – Dec. 15, 2014

December 15, 2014

Dear Tracy,

Na-miss ko nang mag-diary. Siguro kaya yakang-yaka ang buhay noon kasi naisusulat ko ang mga pangyayari sa buhay ko lalo na yung mga negative. Cathartic kasi, eh. Kaya siguro ngayon magandang masanay ako ulit na ganoon ulit. Di lahat ng tao interesado sa observations ko, at di naman kagandahan na lagi na lang ako mapapasalita out loud. The world is a much better place if I refrain from talking.

Saan ko ba sisimulan? Well, ngayon medyo napatawa ako sa comment ko sa birthday greeting ni Philip kay Mengg. Bumati kasi si Philip, yung dating crush ni Meng, tapos nag-comment si “Hong” ng puso. So ako nag-comment ng emoticon na may naghahalikan. Natawa ako sa irony. Di na sila bati nun eh hahaha! Iniisip ko nga kung yayayain ba niya si Philip sa birthday niya mamayang gabi. Pero after kong pagtawanan yung ginawa ko, pinalitan ko na lang ng mas maayos-ayos na emoticon.

Bwisit ako kay amo. Ewan ko ba. Nag-file kasi ng sick leave yung kasama ko tapos di pa rin pinirmahan. Baka bawasan siya sa sweldo. Di naman tama iyon at regular employee na yung tao. Saqka pwede naming ibawas sa annual leave. Actually nirecommend ko ito kay amo. Wala, tinawanan lang. Kaloka!

Isa pa, yung sa annual leave. Nagpaalam na ako na magbabakasyon, sagot ko ticket ko, aba’y ang sabi maghanap ako ng temporary staff. Kalokohan ito. Sinong papaya ng ganito? Ayaw lang ako paalisin. Shuhada. Bakasyon lang naman. Tapos yung isa na kakaregularized pa lang pinayagan ng 1 month vacation. Di ako natutuwa. At dahil diyan, napagdesisyunan ko nang umalis after ng kontrata ko. Unfair.

Problema ko tuloy itong passport renewal ko at Christmas vacation. 23-25 para masaya. Pero ayun, di ko alam kung papayag. Passport renewal kailangan ko na talaga i-renew at matagal ang processing. Tapos yung bakasyon, pakunswelo na lang sa akin at di naman ako pinayagan for annual.

Kung di lang ako nagpapaaral AT nag-iipon ng pampaaral.

Kaya nagiging anti-social lalo ako eh. Umiiwas akong gumastos, lumabas. Libre lang yun. Di na ako kumakain maayos. Di rin kasi ako marunong magluto kaya medyo mahal. Puro shawarma, tinapay, na lang kinakain ko from outside. Sana pumayat naman ako. Long-term fasting na ba talaga kailangan kong gawin? Pero nahihilo ako kapag ginagawa ko. Exercise.. nope. Andami ko lang ring dahilan. Boring mag-jogging. Or mag-gym.

Di rin ako active sa SFC. Di ako kumportable. May na-disclose rin akong sikretong malupit at by the grace of God ay di naman sana kumalat pa. May mga kamag-anak ako sa SFC, para na nilang awa. Sana di ko na sinabi ano? Di naman sila na-enlightened. Binigyan ko lang yata sila ng mapagtsitsismisan. Ewan ko. Ewan ko. I feel like I’m letting the community and God down.

Kahapon, medyo desolate ako. Pinipilit kong makaipon, pero andaming temptation. May tawag ng tawag, mag-invest daw ako. Yung ex-crush ko, di pa rin nagbabayad ng utang pero nanlibre nung bday niya (di rin ako inaya, tsk tsk). Madami ring uutang sa akin pa talaga. Oo bumili ako ng cellphone, pero second-hand yun. At nagbenta ako ng kung anu-ano para lang may sumobra. Naisip ko ring bumili ng mumurahing laptop kasi para yung job-hunting ko ay sa bahay ko gagawin, hindi sa office. Binabawasan ko yung kain ko pero, wala, parang nagmamaintain lang ang weight ko. walang nangyayari sa katawan ko, bilog na bilog pa rin ako. Kaya siguro nung Skype kami nina Mama, tapos pinapakita ako kay Papa, tumatawa lang. Kasi antaba ko na daw. Saka umuwi naman daw ako. Eh ayaw ako pakawalan ng amo ko. Feel ko dadayain pa ako sa benefits ko. Di na ako natutuwa talaga. Tapos dahil receptionist / office girl ako, medyo di maganda prospects ko. Magkano  kaya magiging sweldo ko? Sana tumaas. Tapos sana mas lumapit yung workplace ko. Kailangang maging positive. Pera din ito. Kailangan ko. Gusto ko nang umuwi ng Pinas at mag-masters. Pero kung work lang din paguusapan, ipipilit kong dito sa Dubai magwork hanggang sa kailangan nang umuwi. Mahal ang bilihin at cost of living pero kung wais ka, makakatipid ka pa rin. Bakit kasi nagsayang ako ng 1.5 years na di seryosong nagtitipid? Ayokong isipin ang future, natatakot ako.

Kaya desolate na naman ako. Bakit ang hirap na maabot ang long-term goal ko. At kapag pinipilit kong abutin feeling ko andamot ko. Na para bang andami kong namimiss na mga bagay-bagay kasi talagang wala akong ginagastos. Minsan sa lungkot ko, namimiss ko na yung may BF. Pero alam kong di yun ang sagot. Saka magiging sakit ng ulo at puso lang ako nung kawawang lalaki. Wag na lang. Sabi ko nga kay God, tulungan nya akong wag nang maghanap ng anupaman. Na ituluy-tuluy ko lang ang pag-iipon. Ang buhay na walang kasalo. Kakayanin ko rin naman. 24 pa lang naman ako. Kung kaya kong tiisin ang mga bagay-bagay, 6 years working sa dubai, hopefully will be enough. Si Philip nga nakatapos din di ba? Kaya ko rin, tiis at tiyaga lang. Kaya ko ito. Di man maniwala ang lahat sa akin (dahil sa pagiging antisocial ko) pero sa Diyos naniniwala akong may mabuti pa sa akin, na gusto kong manatili ito sa akin. Kung huwad man ang pananampalataya ko, Siya na hahatol sa akin. Wala man akong pakialam sa opinion nila, basta try kong mabuhay nang walang tinatapakang tao, tapos.

Desolate talaga ako. SAbi ko nga sa Kanya, yung mga nararamdaman kong sorrow at galit, inooffer ko sa Kanya. Unpleasant gifts. Sacrifices kumbaga. All my tears, sorrow and resentment, my anger, frustrations and wishes, they are washed away clean with my tears, and I offer them to Him. Sabi ko rin yung sorrows ng buhay ko, yun na yung sacrifice ko, yun na yung penance ko. Sabi ko rin, kung pwede sana, kung nasa plano Niya sa akin, ay manatili na lang akong single. Maganda lang naman ako. Yung talino ko man, book-based yun, at sa nangyayari sa career ko, mawawala na. Wala nang saysay. Di rin naman exemplary ang ugali ko. Di ko nga alam paano pa rin ako naging blessed by God after all of these. Di ko rin alam. Kaya I’m indebted to Him. It hurts to relinquish my dreams – a family (di nga ako marunong magprito ng masarap ng fried chicken)… a dream job… (antagal kasi baka pag nakaipon na ako, wala na tinatamad na ako or baka may mangyari ulit). It is still a battle of wills. Matigas ulo ko, ayoko pa ring bitawan. Pinopostpone ko lang. Pero sumasakit ang puso ko eh. Siguro itong life-long sorrow kong ito ang magiging penance ko. May God find it in His heart to accept me in His Kingdom. May Mary comfort me and show me how to be like her. Ito na lang consolation ko. Wala eh. Ewan ko. Sana mabuhay na lang ako ng walang masyadong drama sa mundo, lumipas ang mga araw, buwan, taon, hanggang sa kunin na ako.

Mainit ang ulo ko nung mga nakaraang araw, at I feel ashamed after. Saan nanggagaling ang lahat ng angst? Kung gripo lang ako, pinatulo ko na sana lahat para wala na. Pero di ko alam, nakatago sila sa katawan ko. Parang taba, ayaw mawala.  Gusto ko nang mawala yung galit sa buhay ko.  I want to be like those lilies sa altar. Kay ganda. Simple lang pero elegante. Maganda talaga.

Kaya siguro kahapon, galing sa anghel na si Ate Vicky ng Exotica, may dala siyang bouquet of pink roses. Di yata nakuha, itatapon na nila kasi medyo lanta na. Ganda! Wala sa mga naging BF o manliligaw ko ang nag-abot ng ganoong kagandang bulaklak. Buti pa nga ang katulong, may bouquet.

DSC_0045[1]

I felt it like God’s pa-consuelo. “Oh anak, wag na malungkot. Etong favorite flowers mo, in your favorite colors. Wag mong isiping kailangan mo ng lalaki sa buhay mo para makaranas ng mga ganito. Ibibigay ko naman sayo ang kailangan mo, sa tamang panahon, at kung talagang kailangan mo na talaga.”

Wala na akong dapat ikapangamba. Kakakayanin ko ito. Sana, Tracy, kapag binasa mo ulit ito, andoon ka na sa gusto mong marating.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s