MNL – DXB

MNL.

Dalawang oras na ang nakalipas nang huli kong binuhat ang pamangkin ko at sinabing “sorry wala na yaya at tita dinosaur mo” Nag-away pa kami ni kuya sa telepono habang nasa biyahe dahil di kami nakabili ng chickenjoy na ichecheck-in ko. Pero nakabili rin sa may Bicutan, care of Ate Diane. Mula sa bahay nila sa Parañaque ay hinatid niya kami nina Mama at Papa sa lumang NAIA / MIA Terminal One. Ninoy Aquino Int’l Airport at Manila Int’l Airport? Pareho lang yun. At nakakahiya talaga na for international flights ang pinakalumang terminal. Parang museum sa luma. Okay, OA na yun pero yun na nga, we should be showing the best side. Pasalamat tayo at marami pa ring turista ang bumabalik. O eto, pagdating sa airport andaming tambay sa labas. Na naka-bag. Ewan ko ba kung bakit nakabag na parang sila ay mageeroplano rin. Ako’y pumasok na sa security check.

Security check.
Kung maabubot kang bata o lahat na ng gadget ay nakasukbit sayo, payo ko lang ay ilagay mo na silang lahat sa hand carry mo bago ka pa bumaba ng sasakyan o taxi. Basta dapat walang metal sa katawan mo. O kahit di ka sigurado kung metal yun o hindi. Basta damit, sapatos at ikaw lang ang dadaan sa body sensor.  Kaysa naman pumunit yang piercing mula sa ilong mo’t dumikit sa magnet ng sensors. Tapos mabilis ka dapat! Dahil nagmamadali yung mga late na, at may gana pang manulak. Ay ate,  makatulak ka eh ang liit ko nuh, tapos 4 na bag dala ko. Sa pagpasok ko ay may cashier for travel tax.

Travel Tax.
Aalis na nga lang ako ng Pinas, andyan pa rin siya. Hindi pa ba sapat na lagpas isanlibo ang binabawas mo sa sweldo ko kada buwan? Pati rito merong P864 na tax. Sows, BIR. Sige last na naman yan eh. Tapos ang kulit ng kuya, nanay, at tatay ko. Tawag ng tawag, text ng text. Sandali lang, di ako makapag-concentrate sa ginagawa ko eh….. Pero wait, ang visa ko? Sana nasa lost and found!

Lost and Found.
Magchecheck-in na ako nang nadiskubre kong nawawala ang visit visa ko! Sa lahat ng pwedeng mahulog! Buti nasa lost and found. Whew. Thanks Ate. Check-in na!

Check-in.
Actually, nag online check-in na ako kaya di na masyado hassle. Pero may isang lalaking sumingit. Chance passenger. Ahem sir.

Tapos kampante na akong di lalagpas ang gamit ko sa 30kg baggage limit. Salamat sa tatay kong engineer na may panukat para sa mga ganyan (spring weight). At talagang selyado ng Scotch tape ang toiletries ko. Naka-Ziplock bag pa para di matatapon. Lalo na yung pagkain na di naman dapat kasama sa check-in baggage.

Pero check in pa lang akala mo nasa immigrations ka na. Nagsagot ako ng immigration form ng Pinas. Tapos binigay ko ang pasport at print out ng booking details. Anong gagawin sa Dubai? Pag sinabi mong bakasyon, patingin ng visa. Dahil visit visa ako at sa Dubai ang punta ko, syempre alam na. Interview kaagad. Sino ang pupuntahan? Ilang araw/linggo/buwan ka roon? Anong trabaho mo, saan ka nagtatrabaho? Nagtatrabaho ka pa ba? Patingin ng ID. May return ticket ka ba?

Ayan. May tatlong magkakaibigang halatang maghahanap ng trabaho sa Brunei (yup unang flight kasi ay pa-Brunei) ang naharang kaagad dahil 1) pinagsama ba naman damit nilang tatlo sa isang check-in bag at 2) walang pruweba na may return ticket sila. At di lang yan ang poproblemahin nila dahil may terminal fee pa.

Terminal Fee.
Alam nyo bang nasa departure area na ako nang nalaman kong magbabayad pa pala ng terminal fee. So tinakbo ko lang naman pabalik. Basta ayun, reminder, after ng check in, magbabayad ka muna ng P500 plus bago makarating ng immigration.

Immigration.
Tama nga sabi ng mga kamag-anak ko, dapat sa lalaki ako pumunta. Ayun, nainterview ako ng babae. Questions same as listed under topic on check-in. With the addition of: ano trabaho ng kuya mo, at asan ang red-ribboned affidavit of support mo at company ID mo. Buti pala di ko naisurrender yung ID ko. Pinapunta pa ako sa Records Section para makumpirmang totoong nilalang ang kuya ko. Sorry ate, kumpleto dokumento ko. Pati NSO birth certificate namin ni kuya (di kasi kami magkamukha) at certificate of singleness (dahil di nga kami magkamukha ni kuya). Pati ticket ko return ticket.

Paglabas ng second security check, FREEDOM! Tingin-tingin na sa Duty Free.

Dutyfree.
Ayon in dollars at medyo mahal. Nevermind. Depart na to Departure.

Departure.
Anlayo ng nilakad ko papunta dito. Pati si Manong guard tinanong ako kung saan ako pupunta (immigration?) At napabili ng dried mangoes (10 packs for P800). Pagbigyan na ang luho ko’t 2 taon ako di makakakain nyan. At me nakasabay ako, ampogi na Spanish  mestiso pero me kasamang parang yaya kasi there’s no way na magkamag-anak sila. Aawww. Ayan na ang Royal Brunei.

Royal Brunei. Ganda. Ang Pilipinas, maaalala ko ang bundok na berdeng-berde at mga dikit-dikit na bahay ng Metro Manila. Tapos berdeng pulo. Alam mong luma na kaunti ang eroplano kasi hindi touchscreen ang monitor sa likod ng upuan. Gagamitan mo pa ng remote. Pero maganda pa rin. Nanood ako ng Hansel and Gretel: WitchHunters. 45 min lang napanood ko kasi naglanding na sa Brunei.

Brunei. Ang liit lang nya. Tapos marami rin bahay pero napapagitnaan ng puno at hardin, di katulad sa Pinas na dikit-dikit. Pati airport maliit. Di naman marami kasi siguro dumadaan doon. Baka nga ni hindi sila 24 hours operations. Medyo matagal naghintay, kasi mukhang may ibang sasabay galing ng ibang flight. Then bigay ulit ng ticket tapos security check, tapoa hintay. Mga kasama kong Pinay, sinusubukan pang mag international roaming. Tapos ayan na naman si poging may yaya!!!! Tapos sakay ulit sa Boeing 777.

Boeing 777. Mas malaki. Badtrip nasa gitna ako ng 2 lalaki kaya di makapag restroom. Tapos galley nasa likod ng upuan kaya di makapag recline ng todo. Sumakit na rin ulo ko, nanghingi na nga ako ng gamot kay Arabic/Indian looking stewardess pero walang dumating, tinulugan ko nga yung bonggang pagkain nila. Hmp. Pero, sa totoo lang masama pakiramdam ko. Hindi ako nahihilo sa byahe, pero mukhang byahilo ako sa eroplano. Masarap yung pagkain pero wala akong gana talaga. Pero seryoso, kung di masama pakiramdam ko, ubos yun. Masarap naman, light lang ang lasa. Puro manok. Tama nga si Papa na magsasawa ako sa manok. Sa eroplano pa lang eh.

8 hours ang byahe. Tulog, kain, nood, kinig. Tingin sa oras. Kinukumpara ko yung GMT 8 (Pinas) ng Casio watch ko sa GMT 4 (Dubai) ng Anne Klein ko.

Tulog na lahat nang nagising ako. At dahil Filipino time pa rin ang ang body clock ko eh di na ako makatulog. Madaling araw na sa Pinas, pero pa-hatinggabi pa lang. Di na ako makabalik sa pagtulog. Di na ako makakain kasi wala na kinuha na eh. Yung dried mangoes na pinapak ko at tinapos ang Witch Hunters. Tapos nakinig na lang ng music. Nakalagpas na pala ng India. Nasa may Oman na. Antagaaaaaal. Tapos ayan, nasa Dubai na! Pero umikot pa kasi di pa daw makababa. At ayun, lumanding na sa Terminal 1.

Terminal 1. Di tulad ng sa Pilipinas, bongga ang Terminal 1. Anlaki talaga, at anlayo ng nilakad ko palabas. Buti na lang puro walkator / travelator / moving sidewalk. Tapos ang immigration ay may eye scan pa, for security purposes. Anliit ng mata ko kaya pinapabukas sa akin. Hahaha. Tapos yung mga batang Emirati sa immigration, grabe, camel eyes. As in malalaki na full of emotions, tapos angkakapal ng eyelashes. No need magmascara. Kahit lalaki. Nag-usap na lang kami ng kuya ko sa WeChat, tutal malakas WIFI! Whoohoo! Makikita ko na ang kuya ko after two years. Kuya ko na tumaba dahil daw masarap pagkain dito, at tumanda dahil sa stress. At nang nakuha ko na ang gamit ko, mabilis na ako lumabas ng DXB.

 Umalis ako ng Pinas ng May 22, Dumating ako sa Dubai ng May 23, hatinggabi. Whoohoo ang init! Welcome to Dubai!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s